Iniwan ni misis, mister lumaklak ng lason

PATAY ang 22-anyos na mister matapos uminom ng lason nang iwanan ng kanyang asawa sa Brgy. Poblacion-5, Quezon Province, sa ulat ng pulisya kanina.

Ayon sa police report na nakarating sa Camp Crame, patay na at nangingitim nang matagpuan sa loob ng kanilang tahanan si Christian Nuwal Mangi, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, sinasabing uminom ng cyanide ang biktima dahil sa tindi ng naranasang kalungkutan at sama ng loob sa asawa.

Napag-alaman na bago ang insidente may isangg linggo na ang nakalilipas ay inabandona ang lalaki ng kanyang misis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply