Insurance sa mga palaisdaan isinulong

PANAHON na upang magkaroon ng insurance ang mga palaisdaan sa bansa.

Ito ang isinulong ni AGHAM partylist Rep. Angelo Palmones matapos ang malawakang fish kill sa Batangas at Pangasinan.

Batay sa inihaing House Bill 4184 ni Palmones pinasasakop nito sa insurance ang mga palaisdaan sa gitna ng sunod-sunod na fishkill sa naturang mga lalawigan.

Nilalayon ng panukala na masakop ng mandatory ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang mga palaisdaan.

Nakasaad sa mandato ng PCIC na tanging ang palay lamang ang may insurace coverage kaya ang mga kwalipikadong magsasaka ng palay ang nakakubra ng insurance kapag nasasalanta ang kanilang pananim.

Ngunit hindi limitado sa panukala ni Palmones ang insurance coverage para sa palaisdaan kundi maging sa iba pang agricultural products.

Kabilang dito ang niyog, gulay at iba pang pananim gayundin ang livestocks na sinasalanta rin ng bagyo at pati na mga peste.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply