Komyuter talo sa integrated bus terminal – solon

HINDI pabor para sa mga komyuter ang plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magtayo ng integrated bus terminal, kung saan ay iipunin ang mga pamprobinsyang bus na bumibiyahe sa Metro Manila.

Ayon kay 1 Utak Rep. Homer Mercado, kailangang linawin ang mga detalye ng plano bago ito isagawa.

Kinuwestiyon ni Mercado ang pagkaklasipika ng mga bus na bumibiyahe sa mga probinsyang katabi lamang ng Metro Manila gaya ng Batangas, Laguna, Cavite at Bulacan.

Sinabi ni Mercado na maraming komyuter ng mga ito ay araw-araw lumuluwas.

Aniya, masyadong mahirap at magastos para sa mga ito ang magdagdag-sakay pa sa loob ng Kamaynilaan upang makarating sa integrated bus terminal, kung saan sila maaaring makasakay pauwi sa kanilang inuuwian.

Una nang pinahayag ni Mercado na magandang subukan muna ang panukala bago tuluyang iimplementa.

Idinagdag ng mambabatas na maaaring maging parang airport ang terminal, kung saan ay maniningil ng terminal fee bukod pa sa pamasahe sa bus.

Dagdag pa ni Mercado, dapat pulsuhan ang mga mananakay kung ano ang kanilang reaksyon hinggil sa integrated bus terminal, lalo na ang mga komyuter na siyang direktang maapektuhan ng planong ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply