Intsik minartilyo ng mga tauhan, tepok

MINARTILYO ang ulo ng isang intsik na manager ng kanyang mga tauhan na umano’y nanlaban makaraan tangkain pagnakawan ng mga huli sa Valenzuela City.

Basag ang bungo at naaagnas na nang makita ang biktimang si Jeffly Ong, 31, manager at stay-in sa Cosang Plastic Mfg. sa Sigma St., Rincon ng lungsod.

Nadakip naman si Isagani Sobretodo, 20, ng Stotsenberg St., 10th Avenue, Caloocan City.

Pinaghahanap naman sina Ryan Fenandez, Edgardo Camanso, Jr., Wilson Dait, Joel Sabandal, Nelson Sabandal, Michael Andres at Reagan Arboneda pawang mga empleyado at stay-in ng nasabing pabrika.

Sa ulat, dakong 4:30 p.m. ng Hunyo 13 nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa loob ng nasabing pabrika ng dalawang kaibigan nito at agad iniulat sa mga pulis.

Hindi rin matagpuan ang mga suspek sa lugar, dahilan upang magsagawa ng follow-up operation hanggang sa madakip si Sobretodo sa bahay nito.

Inamin ni Sobretodo na ilang araw bago nakita ang bangkay ng biktima, pinagplanuhan na ng kanyang mga kasama na patayin at pagnakawan ang biktima.

Sinabi pa ni Sobretodo na hindi siya kasama sa pumatay sa biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply