Isda bagsak presyo, fish vendor lugi sa fishkill

UMAANGAL na ang mga tindera ng bangus sa mga palengke sa Pasay City dahil naging matumal ang kanilang paninda na nagreresulta sa malaking pagkalugi nila.

Bukod pa dito, nakumpiska din ng City Veterinary Office (CVO) ang halos 100 kilo ng “bochang bangus” sa tatlong palengke na sorpresang pinainspeksiyon ni Pasay City Mayor Antonino Calixto kaninang madaling araw (Hunyo 2).

Ayon kay Dr. Ronaldo Bernazor, hepe ng CVO,  65 kilo ang kanilang nakumpiskang bocha o double-dead na bangus sa Pasay Public Market, 25-kilo sa Malibay Satellite Market at mahigit limang kilo sa Maricaban Market na pawang nakahalo na sa mga sariwang isda na itinitinda sa palengke.

Napag-alaman na hinango ng mga tindera ang mga bochang bangus sa Malabon fishport na hinihinalang nagmula naman sa mga lugar na apektado ng fishkill.

Sinabi ni Bernazor na nagsimula silang mag-inspeksiyon sa mga palengke sa lungsod dakong alas-dos ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga na nagresulta sa pagkakakumpisa ng mga bochang isda.

Muli namang nabundat sa kabusugan ang mga buwaya sa Crocodile farm sa Buendia Extension na sakop ng CCP Complex matapos ipakain sa kanila ang mga nakumpiskang bochang isda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply