‘Fishkill’ lumipas na – DA

KABALIGTARAN sa pangamba ng publiko, wala nang peligro sa pagkain ng isda sa aftermath ng fishkill na umatake nitong nakaraang buwan sa Taal Lake sa Batangas.

“It’s safe to eat fish. It has been some weeks since the fishkill. There’s no way that fish caught at around that time could still be in the market,” pahayag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala. “You can’t store spoiled fish. There are ways of telling if the fish is fresh.”

Ipinahayag pa ni Alcala ang na maaring malaman kung ang isda ay sariwa at isa sa mga pamamaraan ay ang mayroon itong mapulang hasang at malinaw na mata.

Sinabi rin ni Alcala na binaklas na nila ang mga fish cages at inaaral na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung ano ang dapat ipakain ng mga fisherfolk para hindi na maulit pa ang fishkill na tumama sa ilang lugar na nakapalibot sa Taal Lake.

Kaugnay nito, ilang bahagi ng Taal Lake ang may senyales ng pagbabago sa kalidad ng tubig. Ngunit  sinabihan ng BFAR ang mga fish cage operators na maghintay hanggang ang tubig sa lawa ay tumining bago magsagawa ng restocking.

Sa Pangasinan, sinabi ni BFAR Director Asis Perez na ang ahensiya ay naghanda ng 6 na milyong bangus fingerlings para ipamigay sa fish cage operators sa Taal Lake.

“We are consistently monitoring the water quality, but we cannot say when it will be best to restock the cages,” pahayag ni Perez.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply