Isuzu vs trak: 75 sugatan sa Bukidnon

LIMA ang malubha habang 70 katao ang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa Alae, Manolo Fortich, Bukidnon madaling araw ng Martes.

Ayon sa ulat, nagsalpukan ang Isuzu Forward na papuntang Pangantucan, Bukidnon at isang container truck na patungo naman sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Nabatid na nasa kritikal na kondsiyon at ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center sina Ronnie Pasikaran, driver ng Izusu Forward, Rosana Ramirez, Ronnel Ramirez, Lito Agahan at Biboy Agahan.

Ang mga biktima ay mga trabahante ng Pasikaran Farm, na matatagpuan sa bayan ng Pangantucan.

Ayon sa salaysay ng isang biktima na si Danilo Santarin, mula pa sila sa isang beach resort sa Opol, Misamis Oriental at pauwi na sana sa kanilang lugar nang mangyari ang sakuna.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply