Spratlys issue idulog na sa UN – solon

SA UNITED Nations (UN) dapat na dumulog ang administrasyong Aquino kaugnay sa tensyong namumuo ngayon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pag-angkin sa Spratlys, ayon kay Bayan Muna Rep.Neri Colmenares.

Iginiit ni Colmenares na hindi dapat maging kampante ang Pilipinas sa pangako ng Estados Unidos na susuporta ito sa Pilipinas sa usapin sa Spratlys.

Nauna rito ay inihayag ni United States Ambassador Harry Thomas na magiging katuwang ng Pilipinas ang Amerika sakali mang umigting ang tensyon sa pagitan ng ating bansa at Tsina.

Ani Colmenares hindi dapat na “magpapetiks-petiks” ang bansa dahil lamang sa isang pangako “na wala namang katiyakan.”

Iminungkahi pa ni Colmenares na sa halip na maghintay at umasa sa saklolo mula sa Estados Unidos, marapat umanong sa UN o Association of Southeast Asian Nations (Asean) humingi ng tulong ang Pilipinas dahil mas makatitiyak ang gobyerno ng proteksyon mula sa mga ito.

Bukod sa naunang kahilingan ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano na ibasura ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidosay iginiit na rin ng mambabatas ang agarang pagpapawalang-bisa sa Visiting Forces Agreement (VFA) dahil wala naman umano itong naitutulong sa bansa.

Nanawagan naman si Deputy Speaker Maria Isabelle Climaco na kumalma dahil gagawin naman aniya ng administrasyong Aquino ang lahat ng makakaya nito upang maresolba ang territorial dispute sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply