Iwa Moto hindi basta-basta bibitawan ng dating dyowa

MUKHANG matatagalan pa nga ang gusot sa pagitan ng dating magsyotang sina Iwa Moto at Mickey Ablan. Sa takbo kasi ng pangyayari, tila hindi basta-basta bibitawan o pakakawalan ni Mickey ang dating girlfriend.

Tsika kasing muling nadawit na naman sa isang gulo si Mickey nang puntahan diumano nito si Iwa sa isang bar kung saan ito gumigimik kasama ang ilang kaibigan. Balita pa rin na nauwi sa isang gulo ang dapat sana ay masayang happenings para kay Iwa. At lalong lumakas ang bulung-bulongan na tila nga malabo pang magkaayos sina Iwa at Mickey nang may lumabas sa Twitter account ni Iwa na nagsasabing ang ginawa raw ni Mickey ay senyales na isang worthless man ang dating syota.

Tanong tuloy ng mga tsismosa, hindi kaya totoong kasal na nga sina Mickey at Iwa? Eh kasi nga naman tila walang takot si Mickey na guluhin si Iwa? Na tila hindi basta-basta niya pakakawalan ito.

***

27th Star Awards for Movies

HANDANG-handa na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa paghahandog ng 27th Star Awards for Movies sa ika-21 ng Hunyo, 2011, sa New Peforming Arts, Resorts World Manila sa Pasay City. Tema ng mga sumikat na tambalan ng mga artista ang sentro ng pagtatanghal. Sina Boy Abunda, Toni Gonzaga at Grechen Barretto ang mga pangunahing hosts.

Bilang segment hosts, ang mga tambalang Piolo Pascual-KC Concepcion, Kim Chui-Gerald Anderson at Bea Alonzo-John Lloyd Cruz.

Pagkakalooban ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award si Christopher de Leon. Ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera ay ipagkakaloob sa Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde. Mapapanood ito sa ABS-CBN, sa ika-26 ng Hunyo, 2011, sa programang Sunday’s Best.

***

John Lloyd Cruz tanggap na ang buntis issue ni Shaina Magdayao

SA pagbabalik sa bansa nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao mula sa halos isang buwang bakasyon mula sa Europa ay mga intriga ang sumalubong sa dalawa. Andiyan na buntis daw si Shaina ngayon at engaged na sila ni John Lloyd kung kaya umalis ng bansa.

Ayon sa gwaping na binata, bago pa lang naman sila noon ni Shaina ay matitinding intriga na agad ang sumalubong sa kanila kung kaya ngayong buntis na kuno si Shaina ay tanggap na nila ito bilang parte na ng trabaho nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply