Jail warden sa Manila City Jail Extension sinibak

SINIBAK ni DILG Secretary Jesse Robredo ang warden ng Manila City Jail Extension sa Bicutan, Taguig na si Chief Inspector Silas Laurio Jr.

Ang desisyon ni Robredo ay matapos nitong mapanood ang ilang video na nagpapatunay na isang selda sa kulungan ang may airconditioning unit. At posible rin umanong may nagaganap na pot session sa nasabing kulungan.

Bukod dito, may mga preso rin na nahulihan ng video na gumagamit ng cellphone.

Dahil dito, nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang mga opisyal ng BJMP at nakita ang airconditiong unit na agad namang kinumpiska kasama ang mga DVD player at ilang cellphone ng mga inmate.

Pumalit kay Laurio si Supt. Nestor Velasquez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply