Jalandoni kinasuhan sa Ombudsman

KINASUHAN ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro si dating Deputy Ombudsman Mark Jalandoni dahil sa pamemeke ng opisyal na mga dokumento sa Office of the Ombudsman.

Napag-alamang nag-ugat ang kaso nang palabasin umano ni Jalandoni na siya ang
kahuli-hulihang awtoridad na mag-aapruba sa ilang bahagi ng desisyon at resolusyon na iniisyu ng kanilang tanggapan.

“The truth of the matter is that the cases have already been approved by Overall Deputy Ombudsman Casimiro in previous occasions,” ayon pa sa statement ng Ombudsman.

Maliban dito, sasampahan din si Jalandoni ng kasong kriminal bunsod ng paglabag sa Art. 226 ng Revised Penal Code na kaugnay ng pagtatanggal, pagtatago o pagsisira ng isang public officer ng mga dokumentong opisyal na ipinagkatiwala sa kanya.

Maliban sa kasong kriminal at administratibo may inihain ding disbarment case laban kay Jalandoni at De Padua.

Si Casimiro mismo ang naghain ng reklamo sapagkat siya ang tumatayo ngayong pinuno ng Office of the Ombudsman.

Ginawa umano ito ng acting Ombudsman dahil pangunahin niyang tungkulin ang paimbestigahan ang naturang mga usapin lalo pa’t nagkakaroon na ng pagdududa sa integridad ng institusyon at ang ganitong hakbang ang maaari lamang makapagbalik sa ganap na tiwala ng publiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply