Janelle Jamer TL pa rin kay Jordan!

TODO ang suporta kay Janelle Jamer ng nakabalikang boyfriend niya na si Jordan at sa kanyang concert sa Teatrino last Friday.  Si Jordan pa mismo ang naghatid kay Janelle at nagbibit ng kanyang mga gamit sa dressing room. But as much as possible ayaw na munang itodo ulit ni Janelle ang focus sa kanyang lovelife.

Looking forward kasi ang mahusay na singer sa gagawin niyang shows abroad.

Anyway, noon pa man kapag pinapanood namin siya sa PUnchline, napapahanga niya talaga kami.

Parang foreign singer kasi si Janelle nu’ng kantahin niya ang latest hits sa pop chart ngayon. Maliban diyan, tunog foreigner talaga ang original song niya na ni-record niya sa US at ang title ng album ay Jedin Believer.

Sinuportahan si Janelle ng kanyang dating kasamahan sa “Wowowee” na si Kat Alano. Nangako rin daw si Iya Villania na pipiliting makahabol pero ‘di rin nakaabot. Naintinidhan naman ‘yun ni Janelle at sana raw makabawi si Iya sa susunod na show niya sa Teatrino on June 10, Friday.

By the way, sold-out ang ticket ni Janelle that night pero nalungkot lang siya dahil ‘yung mga bumili ng ticket ay ‘di nakarating sa Teatrino. Mahigpit daw talaga ang nasabing venue kaya ‘di sila pwedeng magpasobra ng ticket. Kung ilan lang daw ang sitting capacity ng venue, ‘yun lang ang pwede nilang ilabas.

Bumati naman kay Janelle sa kanyang dressing room ang Hitmaker na si Nonoy Zuniga. Doon lang namin nalamang magkamag-anak pala ang dalawa.  Mag-pinsan kasi ang mga nanay nila, at nadiskubre lang daw nila na magkamag-anak sila nu’ng  magkasama sila sa rating noontime show ng Hitmakers sa ABS-CBN.

Makakasama nga pala ni Janelle next Friday sa Teatrino as special guest ang Hitmakers sa pangunguna ni Rico J. Puno.

Go na sa Teatrino at panoorin ang bonggang production numbers ni Janelle with the Hitmakers.

***

NA-EXCITE naman kami nu’ng makatanggap kami ng invitation to play as one of the contestants ng bagong game show ni Vic Sotto na R U Kidding Me? Kasama ang favorite duo niya na sina Jose Manalo at Wally Bayola sa TV5.

In fairness, ang ganda ng kanilang set at kitang-kita na ginastusan talaga.

Ayon sa taga-TV5 at M-Zet Productions ni Vic na co-producer ng show, that was supposedly their third taping episode.

Nakapagbangko na raw sila ng episode and due to be aired on June 18.

Very interesting ang show base sa briefing na ginawa sa amin.  Nakakalokah din ang mga question, huh.  At kahit isa ka na lang na natira out of 100 contestants hindi ka pa rin sure na winner ka na until you reach na seventh question. Kaya ‘yung mga na-out na sa first few questions may chance pa na makapaglaro.  Kaya nga ang tawag nina Jose at Wally d’yan, e, ‘Nabuhay ang mga patay,’ ganu’n?

Ang R U Kidding Me? ang ikalawang show ni Vic na kasalukuyang umeere sa TV5. Sad to say, hindi nagpa-interbyu si Vic sa entertainment press na na-invite sa taping ng kanyang show. Kukunin sana namin ang reaksyon niya sa pagbubuntis ng kanyang daughter-in law na si Kristine Hermosa sa anak niyang si Oyo Boy Sotto at ang plinaplanong pagtatambal nila ng Comedy Queen AiAi delas Alas sa Star Cinema para sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Maybe next time.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply