Japan muling nilindol

MULING nilindol nang may 6.7 magnitude ang bansang Japan sa hilagang-silangang bahagi kasunod nito ang paglabas ng tsunami alert ng awtoridad.

Nabatid sa Japanese meteorological agency, naganap ang pagyanig bandang 6:51 ng umaga oras sa Japan (5:51am Phl time) sa layong 50 kilometro sa east coast ng Miyako, Iwate prefecture.

Kaugnay nito, ipinahayag ng U.S. Pacific Tsunami warning center na wala silang inaasahang mapaminsalang Pacific-wide tsunami.

Wala namang napapaulat na nasaktan at aftershocks matapos ang lindol.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply