Japan PM lusot sa ‘No-Confidence Vote’

MASWERTENG matatawag si Japanese Prime Minister Naoto Kan matapos malampasan nito ang isinulong ng oposisyon ng Japan na “No Confidence Vote.”

Nakuha ni Kan ang 293 na boto para mapanatili ito sa kanyang puwesto. Samantala, 152 naman ang bumoto na wala na silang kumpiyansa sa pamamahala ng naturang lider sa bansa.

Nabatid na kung natalo sa botohan ang grupo ni Kan ay kinakailangan nitong bumaba sa puwesto sa loob ng sampung araw at mapipilitan itong tumawag ng agarang snap election.

Nagpahiwatig naman ang Japanese Prime Minister na magbibitiw din siya sa puwesto pagkatapos malampasan ng Japan ang kinakaharap na krisis dulot ng lindol at tsunami na sumalanta sa bansa kamakailan.

Kasalukuyan ding nilalapatan parin ng solusyon ang napakalubhang problema nitong nuclear power crisis.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply