JBC pipili na ng mga nominado para sa 2 bakanteng pwesto sa SC

PIPILI na ang Judicial and Bar Council ng inonominado kay Pangulong Benigno Aquino III para sa dalawang bakanteng puwesto sa Korte Suprema.

Magsasagawa ng deliberasyo at botohan ang JBC mamayang alas-tres, Hunyo 21, hinggil sa 28 aspirante na papalit sa iniwanang puwesto nina justices Antonio Eduardo Nachura at Conchita Carpio-Morales.

Kabilang sa mga kilalang miyembro ng judiciary na nagnanais umakyat sa SC ay sina Court of Appeals justices Andres Reyes, Japar Dimaampao, Noel Tijam at Remedios Salazar-Fernando at si Commission on Elections Commissioner Rene Sarmiento.

Matapos ang botohan ay posibleng isumite na rin ng JBC kay Pangulong Aquino ang listahan ng mga nominado.

Alinsunod sa batas, sa loob ng 90 araw ay kinakailangang manombrahan ng Pangulo ang kapalit ng nabakanteng puwesto sa Korte Suprema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply