JC De Vera inurungan ng bayag dahil kay Robin Padilla?

SOBRA naman yung alibi na kaya di pa itinuloy ng TV5 ang “Ang Utol Kong Hoodlum” project ng alaga ni Annabel Rama na si JC De Vera ay dahil ayaw nilang sabayan ang pag-ere ng kay Robin Padilla sa ABS-CBN. Parang pinalalabas na out of respect, dahil si Robin ang original bida sa naturang project, umatras muna ang kay JC to give way. Respeto raw, kumbaga.

O, well, di po kami naniniwala sa alibi na ito. Sa tingin namin, nakakita lang talaga ng pagkakataon ang mga taga-TV5 na i-delay or di na ituloy ang JC De Vera project dahil nga na-realize nilang hilaw pa si JC. Lalo na nga bilang action star.

Naniniwala kami na star material si JC. Napatunayan na niya yan. Ang sabihing hilaw pa siya at this point has no basis really. Pero bilang action star, true na baka hindi niya makakaya dahil di naman niya image ang pagiging action star ever since. Pansinin na yung mga projects na nagpalutang kay JC ay yung may image na siya ay isang hunk at lover boy. Kaya dapat, yung mga projects like that of Hoodlum will have to be given to actors na mas may clout pagdating sa action genre.

Pero sana, kung hindi tuloy ang Hoodlum ni JC, bigyan naman siya ng ibang vehicle where he could prove his worth as an actor. Yung nasa image at genre niya.

Hindi ba, Jun Lalin?

***

Posible bang magbago pa ang mga addict?

MAY narinig na kaming nagsabing, ang addict daw ay addict ay addict. Ibig sabihin ng nakausap namin, pag addict, di na gagaling, isang kisap-mata lang, babalik at babalik ang pagka-addict sa isang maling galaw.

Well, we have seen a lot outside showbiz. Nakamatayan na nila’ng pagiging addict, gayung they underwent rehabilitaion. Yung iba, mga nagsitanda na, that even up to their twilight years, mga nag-a-addict pa rin.

This brings to mind yung mga artistang nag-undergo ng rehabilitation.

So far naman, yung ilang nag-announce na na-rehab sila’t nagsabing nagbago na sila, ayan at nasa eksena at umaandar naman nang maganda. Dahil ba sa may self-control sila at laging nasa isip na kailangan na talaga silang magbago?

Hindi na kami magbabanggit ng mga pangalan, pero mga kilala sila sa showbiz na ngayon nga ay mga sikat pa rin at puwedeng sabihing nasa very sane level gayung  dati nga silang mga addict.

So, yung kasabihang ang addict ay addict ay addict, will still have to be proven sa kanila.

Heto na ngayon, out ng rehab center si Baron Geisler after more than three months.

He feels new and restored at handa nang humarap sa mga hamon ng buhay.

He knows he would need more than just strength — prayers as well — para mapaglabanan ang muling “malulong” sa masamang bisyo.

“Marami akong natutuhan sa loob,” pahayag pa ni Baron, “which has helped me become the new Baron that I am now. At feel na feel ko ang pagbabagong ito sa akin.”

“Kaya nga for a time, ayoko pa munang lumabas.

“I wanted to face life outside rehab more prepared at hindi madaling ma-tempt na bumalik sa kung anong ‘dati’ ko.”

Because of his addiction to alcohol, alam daw niyang marami siyang nabigyan ng sama ng loob.

Kasama na rito ang kanyang ina na sa kanya umaasa at nagbibigay ng unconditional na pagmamahal.

He wants to make up to her, he said, and to all those na kanyang ‘nasaktan,’ not to say, ‘pinagkasalanan.’

In connection with this, alam pala ni Baron ang tungkol sa voluntary na ‘pagpasok’ ng dating child actor na si Jiro Manio sa rehab center.

He is happy for him, he said.

“Compared to me, mas bata pa siya (Jiro). Kaya tama lang na gustuhin niyang magbago.”

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply