Jennylyn Mercado hindi lang si Luis Manzano ang idini-date

KUNG pagbabasehan ang mga lumalabas na tsika involving Jennylyn Mercado and Luis Manzano, kasama na rin dito ang mga panayam sa ina ni Luis na si Gov. Vilma Santos, parang lumalabas na exclusively dating na nga ang dalawa at may lihim nang relasyon.

Pero ang the height nito ay biglang pasok sa eksena si Patrick Garcia, ang ama ng anak ni Jennylyn, at nakikita rin na may kasama siyang Kapuso male star na ka-date. Hindi kaya playtime din lang ang sa kanila ni Luis?

Hindi kaya gimik nga lang ito? Sa isang panayam ay hindi naman ikinaila ni Jennylyn na she goes out dating with some male Kapuso stars at wala naman daw siyang nakikitang masama rito.

Ayon pa rin kay Jen, single siya and available at wala siyang nakikitang masama kung sakali mang mag-entertain siya ng suitors maliban kay Luis. Dagdag na say pa rin ni Jennylyn, ini-enjoy lang din naman niya ang pagiging malaya niya sa isang relasyon.

***

KUNG dati-rati ay iwas-to-death si Coco Martin pagdating sa usapin sa kanyang anak sa sexy actress na si Katherine Luna, sa ngayon na nakakariwasa na siya sa buhay at kumikita na ng sobra-sobra, nais naman niyang i-share ito sa kanyang pamilya.

Say pa nga ng actor, ginagawa niya ang lahat para sa kanyang pamilya and for sure kasama rito ang anak niya kay Katherine na ngayon ay six years old na.

Sabagay, noong time na sumabog ang tsikang anak na ito ni Coco kay Katherine, isa pa lang indie actor si Coco at hindi pa gaanong kumikita. Pero ngayon, bigtime na siya kaya siguradong bawing-bawi siya sa kanyang daughter.

***

Rhian Ramos, ayaw pabakante

MARAMI na rin ang nakakapuna na tila unti-unti nang nalalampasan ni Rhian Ramos ang ma-kontrobersyal nilang hiwalayan ng dating boypren na si DJ Mo Twister. Maging sa mga taong malapit kay Rhian ay ito rin ang napuna sa dalaga.

Tuloy-tuloy na talaga ang pagmo-move-on ni Rhian. Sa isang panayam ay masayang sinabi niyang ginagawa lang niya ang dapat para makapag-move-on at maging matatag. Simple lang ang kanyang naging paraan, ito ay gawing super busy ang kanyang sarili sa work, as in ayaw ni Rhian na mabakantehan siya ng oras at maging daan tuloy para makapag-emote-emote siya.

Pero may nakapuna sa kanya, pagdating naman sa Twitter ay medyo iwas na siya rito. Sa katunayan pa nga ay hindi na niya ginagamit ang kanyang Twitter account sa ngayon. Hindi naman dinenay ito ni Rhian. Aminado siyang sa ngayon ay ayaw na muna niyang mag-tweet dahilan sa maraming gumagamit ng kanyang pangalan.

Pero hindi niya itinanggi na muli siyang babalik sa pagtu-tweet dahilan sa ito lang ang kanyang komunikasyon sa mga taong nagmamahal at naniniwala sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply