John Lapus barubal na bading

JOHN Lapus is a big turn off sa maraming moralista sa showbiz. Di nila ibig yung pa-liberated kuning-kuning ng barubal na komedyante. May isa ngang may edad ng kolumnistang nagkuwentong para raw itong walang pinag-aralan na hindi inilalagay sa lugar yung mga salita niyang ubod nang garapal.

O well, mabunganga naman talaga itong si John. I remember so well, noong araw na walang name ito, kung makatili sa isang watering hole sa Delta, ganun na lang. Tila nga baklang kalye na nagpapapansin at galing sa isang pamilyang walang nagturo ng tamang asal nang lumaki.

Noong araw, siya at grupo niyang kapwa niya mga barubal ay madalas ngang tumambay. Minsan o kung ilang beses na mamura’t nasigawan sila ng mga baklang gaya nila ay tambay rin sa naturang lugar. Matagal ng wala yung lugar pero hanggang ngayon andyan pa rin si John Lapus at ang kanyang sobrang barubal attitude.

Heto ka, yung ilang beses pang pagkasangkot ni John sa ilang eksandalo involving him sa harassment ng mga lalaking type niya, ay hindi pa ba sapat yun?

Can you imagine a celebrity na maglalasing tapos di naman pala kayang kontrolin ang libog kapag inalihaan. Yes, we are using the word nalibugan dahil mismong si John sinasabi niyang kapag may guwapong mga lalaki ay nalilibugan siya.

Eewww! Hahaha!

Punung-puno ng malisya at pagnanasa na parang monster na naglalaway si John Lapus nang ipagsigawan niya sa presscon ng “Temptation Island” sa Imperial Palace na labis siyang nalibugan sa dalawang aktor na kasama niya.

Heto ang mga statement niya ayon sa ilang writers na present doon.

“Aaminin ko sa inyo (entertainment press) na na-L talaga ako kina Mikael (Daez) at Tom (Rodriguez). Maglakad ba namang naka-brief sa harap ko ang dalawa, sino namang bakla ang hindi mag-iinit. Natural lang na malaki ang kanilang hinaharap dahil may dugong banyaga sila, di ba?,” pagmamalaking sinabi ni John.

Nasa isang isla raw kasi sila kaya walang pakialaman ang buong cast sa pagtatam-pisaw sa dagat pagkatapos kuhanan ang kanilang eksena.

Palakad-lakad daw sa beach nang naka-brief lang sina Mikael at Tom sa harap mismo niya. Si Solenn Heussaff naman daw na nakabekangkang sa beach ay nakasungaw na sa suot na panty ang ‘feminine area’ niya, no pansin kay John.

Kuwento pa ng vaklushi, si Tom daw ay nakita niyang pasulyap-sulyap sa nakasungaw na ‘flower’ ng nakabekangkang na si Solenn. Kaya hindi raw tuloy siya napapansin ng aktor na pinakatititigan niya ang nakaumbok nitong pagkalalaki.

Ano yun, di ba highest point ng kabarubalan? Press conference yun at hindi kuwentuhang bakla na puwede mong ipagmalaki na nalibugan ka at the sight of men in briefs. Hahaha!

***

DAMING revelation ng sikat na Sessionista’ng si Princess Velasco sa recent interview namin sa kanya in connection with “Pagdating Ng Moment” concert sa Zirkoh Timog on July 2, starring herself, Aiza Seguerra at iba pang performers na kinabibilangan nina Arthur Pangilinan at Timothy Chan noong isang araw.

Si Princess po ay alaga ni tita Sherbet Ilacad na talaga namang laging nakabakod sa kanya. Sa kuwento nilang dalawa ni Princess, matagal muna sa sidelines si Princess bago tuluyang nabigyan ng break.

Noon pa raw, nililigawan na ni tita Sherbet si Princess pero talagang di ito makasagot dahil ayon kay Princess, nung mga panahong yun, nasa kanyang comfort zone ito at tila masaya na roon.

Pero nang mabigyan ng pagkakataon si tita Sherbet, Princess became a faceless singer. Yes, siya ang boses sa ilang albums na ibinebenta pero puro kanta lang ang features. Nagtagal daw siya sa ganoong kategorya hanggang mabigyan ng pagkakataon sa ASAP. Nakasama sa grupo ng Sessionista at doon, kahit medyo mabagal, kinilala naman ang kanyang galing.

Sa ngayon, isa sa mga paborito ng publiko si Princess dahil nga sa kanyang mga soulful rendition ng mga kantang mahirap makalimutan.

Okey na raw sana si Princess dahil nga nahirati na siya sa buhay singer kahit nasa background lang, pero nang mabigyan siya ng malaking break, talagang medyo umangat ang kanyang career.

“And this is all because of Piolo Pascual,” kuwento pa niya.

Natoka raw sana siyang gumitara sa isang special number noon ni Piolo sa ASAP. Okey lang daw sa kanya, total naman, mahusay naman siyang maggitara, pero nang mag-request daw si Piolo na kailangang mag-duet silang dalawa, parang nagbago ang timpla niya. Ang galing daw ng ganoong pagkakataon, biruin mo nga namang si Piolo pa mismo ang nag-request sa mga execs ng ASAP na gusto nga niyang maka-duet si Princess. Di raw nakapalag ang mga tao sa ASAP at lahat puro tinginan lang, pero dahil isang Piolo Pascual ang nag-request, ayun, napagbigyan ang hiling.

The rest was history, dahil sa number na yun with Piolo na obviously ay nagmarka, nakita ng mga taga-ASAP ang tunay niyang kakayahan. Kaya simula noon, ayun, big entity na si Princess sa nasabing show.

Dami pang mga kuwento ni Princess, including yung interaction niya sa ibang regular sa ASAP. But we could see that in some instances medyo nagho-hold back siya. Ayaw na niyang magbigay ng komento. Except for the fact na sinasabi niyang wala naman siyang probema kaninuman sa grupo, we could sense na yung ibang tagaroon ay may kanya-kanyang problema with each other.

“Ako po, close sa lahat. Wala akong pinipili,” sabi pa niya.

Si Princess din ang nagbulgar na big crush pala niya si Jericho Rosales. Kasi nga raw, napaka-friendly ni Echo at feel na feel ni Princess yung sincerity nito in dealing with her o sa iba pang ASAP performers. Besides, talagang kilig na kilig daw siya rito sa tuwing nakakasama niya.

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply