John Lapus tinigasan kina Tom at Mikael

WALANG malisya at pakialam si John Lapuz na ipagsigawan sa presscon ng “Temptation Island” kamakailan sa Imperial Palace na na-turn on siya sa dalawang actor na kasama sa movie na idinirek ni Chris Martinez under Regal Films at GMA Films.

“Aaminin ko sa inyo (entertainment press) na tinigasan talaga ako kina Mikael (Daez) at Tom (Rodriguez). Maglakad ba namang naka-brief sa harap ko ang dalawa, Sino namang bakla ang hindi mag-iinit? Natural lang na malaki ang kanilang hinaharap dahil may dugong banyaga sila, di ba?,” pagmamalaking sinabi ni John. Nasa isang isla kasi sila kaya walang pakialam ang buong cast pagkatapos ng eksena na magtampisaw sa dagat.

Palakad-lakad na naka-brief lang sina Mikael at Tom sa harap mismo ni John at sa limang actress naman ay si Solenn Heusaff ang wala rin daw pakialam.

Kahit nakikita na ang panty nito ay deadma. Maging sa pagbibihis ay wala rin daw pakialam ang dayuhang actress.

Ask namin si Solenn at may pagmamalaking sinabi na: “Comfortable kasi ako sa mga kasama ko.”

Tinanong si Tom kung sino sa limang lead sexy actress na sina Marian Rivera, Lovi Poe, Heart Evangelista, Rufa Mae Quinto at Solenn ang liligawan niya.

“Si Solenn po,” sagot ni Tom na ikinakilig naman ni Solenn.

Katuwiran kasi ni Tom pareho silang may half blood at nagkakaintindihan. Saka taken na raw ang ibang kasamang sexy actress.

Going back sa Temptation Island movie, kung sina Tom at Mikael ay tinigasan si John Lapuz, kay Aljur Abrenica na kasama rin sa cast ay wala raw nadamang malisya si Sweet.

“Kahit na katiting na pagnanasa ay wala akong nadama kay Aljur. Because naman, bata pa yan ay parang kapatid na ang tingin ko diyan,” pag-amin ni Sweet.

Anyway, magkakaroon ng premiere night ang Temptation Island. Ang tanong ay dumating na kaya si Heart at isama kaya nito ang kaniyang ina para masagot na nila ang mali-maling naglalabasang “away” daw nina Heart at Marian.

Sa interview kasi sa TV ng ina ni Heart ay lumalabas na wala itong nalalaman na may nangyaring hindi maganda sa kanila ni Marian.

Pagdidiin kasi ng mother ni Heart, nagpunta siya sa airport para sunduin si Heart at yun daw kasama niyang guard ay airport guard para samahan siyang makapasok sa loob ng airport at yung ibang security guard na nandoon sa loob ay para raw magpakuha ng larawan sa mga artista.

***

KUNG pagbabasehan ang pagsisimula raw ng “away” nina Heart at Marian, sinabi ni Marian sa presscon ng Temptation Island na walang kinalaman si Heart sa lumabas na bobita siya at hindi marunong mag-English.

Sinabi kasi ni Marian sa presscon, narinig nga niya sa fans na sinabi na bobita at hindi siya marunong um-English.

So, hindi si Heart ang nagsabi at pinalaki na lang nang kung sino.

Ano’ng motibo ng nagpakalat na nagkatampuhan ang dalawa? Para pag-usapan sina Marian at Heart?

Sa totoo, hindi makatutulong sa pelikula nila ang ganyang uri ng intriga. Noon ay okey ang ganyan pero ngayon ay hindi na ito epektibo.

***

SIGURADO kami na maraming nagulat sa ikinuwento ni Senator Bong Revilla sa “Kap`s Amazing Stories” kahapon, Sunday, sa GMA-7 na kinatampukan ng mga iba`t ibang damuhan sa buong mundo.

Ikinuwento ni Bong ang mga damong pumuno sa 2.5% ng lupa sa mundo dahil kung susukatin ang haba ng damuhan ng Central Asian Steppe ay parang bumiyahe ka ng one third paikot sa mundo.

Sa rami ng mga kaalamang matututunan sa Sunday show ni Bong ay talaga namang aabangan mo ito every Sunday sa GMA 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply