Jolo madaling kagaanan ng loob ng chicks dahil di pikunin

MASARAP sumagot si Jolo Revilla sa mga tanong ng press sa kaniya, personal man o may kinalaman sa career. Hindi ito pikunin gaya ng ibang bagets aktor. Ang latest sa anak ni Senador Bong Revilla,  ito’y napagbibintangang naging cause-of-break-up ng ilang celebs like Jodi Santamaria (or Kim-Gerald)?

Sinagot naman ng malumanay ni Jolo na  never siyang pumapasok sa isang relasyon lalo pa’t alam nitong may karelasyon ang babae.

Tungkol naman kay Kim Chiu na napapabalitang tipo nitong gawing GF, sinabi ng morenong aktor na never pa niyang pinagtangkang ligawan si Kim.

“Humahanga ako sa kaniya. I like her, pero  never pa akong nanliligaw.” sey ni Jolo.

Magkasama ang dalawa sa “Binondo Girl” at ongoing pa rin ang kanilang teyping. Malay natin, sa gitna ng kanilang trabaho, may mamuong isang special friendship?

Knowing Jolo, minana nito ang pagiging matinik sa babae gaya ng kaniyang Daddy Bong.

***

ISA na namang riot na katatawanan ang handog ng “Gandang Gabi Vice” this Sunday with guests Diether Ocampo, Angelica Panganiban at ang reel-real life sweetheart, Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Ito ang sinasabing experimental show noong pinagpaplanuhan pa lamang and yet, hindi akalain ng Kapamilya management na ido-dominate pala ni Vice Ganda ang panggabing slot sa ere.

Sa totoo lang, buhay na buhay ang mga tao sa kakaabang sa chat-talk show na ito ni Vice every Sunday night kaya’t masayang-masaya kahit ang EP ng show na si Ms. Lani.

To think na  oras na ng pamamahinga (dahil start na ulit ang work the next day) ang 10 p.m. Sunday slot, still consistent sa two-digit ratings, 20 plus % lagi ang GGV simula sa una nitong episode.

Bonggang-bongga si Vice dahil bukod sa GGV, may “Showtime” pa ito everyday at sinimulan na ang follow-up movie nitong Pvt. Benjamin at magkakaroon pa ito ng big concert sa Araneta Coliseum this July 1.

Strike while the iron is hot, ‘ika nga!

***

ISANG suking email sender, si Kim Federico <kim.federico@yahoo.com>, ang nagpahatid ng mensahe at nais lamang daw nitong ituwid ang claim ng Siyete na ang: “Amaya ang first epic serye sa telebisyon.” Isn’t it “Rounin,” the first epic series and not Amaya?” may patanong pa nitong sabi.

Well, kung epic series nga ang “Rounin” ng Kapamilya network, sana’y tumigil na ang sinumang nagkakalat na itong Amaya nga ang unang makasaysayang serye na mapapanood sa ating telebisyon.

Subali’t meron pang comment galing sa kabilang network ang nagsasabing hindi gaanong satisfied ang Kapuso sa naitalang rating ng kanilang fantaserye dahil hindi ganun kababa ang kanilang ini-expect.

Mukhang hindi pa nakaabot sa 20% ang rating nito kumpara sa katapat na “100 Days to Heaven” na  ngayo’y bukambibig ng bata’t matanda dahil sa nakabibilib na pagganap ng ngayo’y sinasabing child wonder na si Xyriel Manabat.

“Mahirap gumawa ng epic series ngayong panahon dahil hindi ito kinakagat ng masa,” taklesa pang sey sa amin ng isang staff ng kalabang programa ng Amaya.

Bias? Ganun?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply