Juday imbyerna nga ba sa mapapangasawa ni Jolina Magdangal?

MISMONG sa “Party Pilipinas” sa GMA-7 inamin ni Jolina Magdangal at ng kanyang boyfriend na si Mark Escueta na malapit na silang magpakasal. Umiiyak sina Jolina at Mark nang aminin nila in public ang nalalapit na nilang pagpapakasal. Naroon ang mga kaibigan ni Jolina sa Party Pilipinas nung nakaraan Linggo para saksihan ang pag-aanunsyo ng magsing irog na sila na nga ay mag-iisang dibdib na.

Present sina Jan Marini at Roselle Nava na naging kaibigan ni Jolina nung “Ang TV” days pa nila na hanggang ngayon ay matalik pa rin pala silang magkakaibigan.

Natuwa ang mga kaibigan niJolens sa kanyang desisyon na lumagay na sa tahimik dahil naging problema na raw nila kung kailan ito mag-aasawa.

Ngayong malapit na itongg ikasal, mukhang hindi naman sila okey ni Judy Ann Santos na kaibigang matalik din ni Jolens.

Sa announcement ng singer/actress nung Linggo, hindi man lang bumati si Juday sa dalawa. Kahit man lang phone patch ay hindi nagparamdam si Juday. Bakit kaya? Anong dahilan at hindi man lang nagparamdam ang alaga ni Mother Alfie. May tampuhan ba ang mga ito? Or Hindi lang boto si Juday sa mapapangasawa ni Jolina?

Maaring hindi boto si Juday kay Mark kaya hindi ito nagparamdam.

***

Piolo naunahan ni Sam kay KC

SHOWING na sa June 15 ang bagong pelikula ng Star Cinema na “Forever In A Day”  na pinagbibidahan nina KC Concepcion at Sam Milby. Maraming mga kwento ang dalawang bida sa nasabing pelikula na sina KC at Sam. Kesyo napakarami raw nilang magagandang experience habang sinu-shoot nila ang pelikulang ito.

Since magkaibigan daw silang dalawa ay hindi daw sila nahirapan na magkatrabaho sa iisang pelikula.

Kaya lang, sa presscon nila ay hindi maiwasan na hindi maitanong kay KC kung ano ang naging reaksyon ni Piolo Pascual nang malaman nito na magkasama ang girlfriend niya at ang aktor na si Sam.

Hindi naman daw seloso si Piolo dahil trabaho lang naman ang lahat.

Pero ang nakaka-excite sa project na ito nina KC at Sam ay napakaraming eksena ang mga hindi pa natin napapanood sa mga past movie ng Star Cinema. Sabi ni Sam, sobrang nahirapan daw siya sa pelikulang ito, pero sobrang nag-enjoy daw siya dahil alam niya ang ginagawa niya ay sa ikakaganda ng kanilang pelikula.

***

PAREHO na ngayon ng estado ang dalawang singer na galing sa Pinoy Dream Academy na sina Jay-R Siaboc at Ronnie Liang. Pareho na silang walang career.

Sa loob pa man ng PDA haws ay hindi na umano magkasundo ang dalawa, hanggang sa paglabas nito ay hindi pa rin sila magkasundo.

Dumating sa point na pinaglakad ni Ronnie si Jay-R at hindi niya pinasakay sa kanyang sasakyan.

Wala namang sinasabi ang dalawa kung ano ang hindi nila pinagkakasunduan.

Lihim naman nilang itinago ang kwento ng kanilang alitan.

Anyway, ngayong pareho na silang walang career, siguradong tapos na rin ang kanilang alitan.

Sana nga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply