K+12 ni PNoy inupakan ni Trillanes

NAGBABALA ang isang mambabatas na posibleng magkaroon ng 4th shift sa mga pampublikong paaralan sa bansa kapag tuluyang inimplementa ng Department of Education (DepEd) ang K + 12 system.

Sa privilege speech, sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na kahit sa 10-year basic education system ay problemado na ang DepEd sa kakulangan ng classroom, teacher, libro at mga upuan, na lalo pang pinalala sa 12-year basic education sa ilalim ng K-12.
Ayon kay Trillanes, ngayon pa lamang ay problemado na ang ilang paaralan, tulad ng Batasan National High School kung saan kinailangan nila ang 3-shift ng klase bawat araw kung saan ang unang shift ay nag-uumpisa sa 5:30 ng umaga habang ang ikatlong shift ay nagtatapos ang klase ng 7:20 ng gabi.
“If we implement DepEd’s K+12 system, are we going to add a 4th shift and require our students to wake-up earlier, say at 3:00 a.m., or maybe go home at mid-night? Are we going to pack the students ever more tightly with 150 or more students in each class?”pagtatanong ng senador.
Naniniwala ang senador na hindi naman ang karagdagang taon ng pag-aaral ang sagot sa paghina ng kalidad ng edukasyon sa bansa, kundi ang kakulangan ng silid-paaralan at guro upang sa gayon ay magkaroon ay maibigay ng guro ang sapat na atensyon sa kanyang estudyante kung nasa 30 hanggang 45 lamang sila.
Dahil dito ay inihain ni Trillanes ang isang resolusyon upang pormal na maimbestigahan ang katuturan ng K+12 program ng DepEd.

“A teacher’s group once said: Our only concern is education officials should not turn this into a game of trial-and-error. This is no simple trial. And if the program turns out to be riddled with errors, this will have a big effect on the nation,”pagtatapos ni Trillanes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply