Kagawad naholdap ng ‘riding-in-tandem’

NAKATANGAY ng malaking halaga ng alahas ang dalawang grupo ng riding-in-tandem matapos tutukan ng baril at holdapin ang isang 65-anyos na barangay kagawad Miyerkules ng hapon, Hunyo 8.

Ayon sa ulat ng MPD-Moriones Police Station 2, dakong 5:05 ng hapon nang maganap ang nasabing panghoholdap kay Kagawad Arturo Limcangco ng Brgy. 236 Zone 22 sa Antonio Rivera street sa Tondo.

Samantala, sugatan naman sa kaliwang braso ang umano’y kapitbahay ng biktima na si PO3 Arlan Ordanza , nakatalaga sa MPD-Mobile Suport Unit matapos makipagpalitan ng putok sa apat na suspek na lulan ng dalawang motorsiklo.

Nabatid sa report ng pulisya, habang nakaupo sa labas ng bahay ang nasabing kagawad ay sumulpot ang dalawang motorsiklo sa magkahiwalay na lugar at pinuntirya ng mga ito ang kuwintas na ginto at bracelet ng nasabing opisyal.

Agad namang ibinigay ng biktima ang kanyang mga nakasuot na alahas at nang maispatan ng naturang pulis ang nagaganap na holdapan ay tinangka itong pigilin.

Subalit lumaban ang mga suspek at saka siya pinaputukan ng baril at tumama pa ito sa isang nakaparadang Toyota Corolla na umano’y pag-aari ng isang Renato Torno. Rene Crisostomo

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply