Kahalagahan ng paghuhugas ng kamay

ANG bakterya, mikrobyo ay nagkalat sa maraming bagay, ika nga it’s everywhere! Nakakatakot kasi ang mga mumunting microorganism na ito na mala-monster naman sa pagdadala ng sakit sa mga tao.

Gamit ang ating mga kamay, nakukuha natin ang mga mikrobyo na ito na may banta sa ating kalusugan. Sa pamamagitan din ng kamay ay maaari nating mahawaan o mailipat ang mikrobyo at sakit sa ibang tao.

Alam ninyo ba mga nanay at mga bata na ang kamay ang pinakamaduming bahagi ng katawan ng tao dahil ito ang ginagamit sa panghawak ng iba’t ibang bagay kung saan nakukuha natin ang dumi?

Sa simpleng paghawak sa maduming bagay ay nakukuha natin ang germs na maaaring maka-infect sa atin at sa ibang tao kaya naman ang paghuhugas ng kamay ay napakahalaga.

Tamang paraan ng paghuhugas ng kamay

1. Basain ang kamay at lagyan ng malinis na sabon. Siguraduhing ang sabon ay hindi nakaiirita sa iyong balat. Ibalik sa soap rack ang sabon at iwasan na ilagay ito kung saan-saan.

2. Ikalawa, i-rub ng mabuti ang dalawang kamay upang masiguro na lahat ng parte ay malagyan ng sabon at maalis ang dumi. Sa pamamagitan ng pag-scrubbing at sabon ay natatanggal ang dumi.

Gawin ito ng 10 hanggang 15 segundo.

3. Banlawang mabuti ang kamay gamit ang running water. Ang tecndency kasi kapag nilubog mo lang ang kamay sa container na may tubig, mapupunta lang ang dumi doon at hindi mababanlawang mabuti ang kamay.

4. Patuyuin ang kamay  gamit ang malinis na bimpo o pamunas.

Tamang gawi pagkatapos gumamit ng CR

Ayon sa isang pag-aaral, isa sa tatlo katao ay hindi naghuhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng restroom.

Ang restroom ang isa sa pinakamaduming parte ng bahay o ng isang establisimyento lalo na kung pampubliko ito.

Isipin mo, ang daming gumagamit dito, na yung iba ay mayroon pang sakit na pwedeng nakahahawa.

Para sa mga babae, huwag na huwag uupo sa toilet bowl, mag-squat at tiisin na lamang na huwag umupo upang makaiwas sa germs na makukuha mo sa pag-upo sa toilet bowl. Huwag ding tuntungan ang bowl upang maiwasan naman ng lalo pang dumumi ito.

Kumuha ng tissue at punasan ang tumulong ihi.

Siguraduhin na bago lumabas sa rest room ay nakapaghugas ng kamay.

Laging magdala ng sabon at alcohol araw-araw upang kahit saan ka pumunta ay may magagamit ka sa tuwing maghuhugas ng kamay.

May mga restroom kasi na walang soap kaya mas makabubuti kung may sarili kang dala-dala. Isa pa ang sabon ay isang pampersonal na bagay.

Isipin mo rin na sa regular na paghuhugas ng kamay ay makaka-save ka ng madaming medical bills.

Hindi naman magastos at simple lang ang paghuhugas ng kamay. Ito ay nakatutulong upang maiwasan ang pagkakasakit.

Apektado rin ang mga bata sa pagpasa-pasa ng germs at sakit. Ang mga bata pa naman ay likas na nagsusubo ng kamay. Mahilig din silang humawak ng kung anu-anong bagay at kung saan-saan. Dapat sa murang edad ay maituro na sa kanila ang kahalagahan at tamang paghuhugas ng kamay.

Gawin itong routine sa bahay, sa ganitong way, makakasanayan ng mga bagets ang paghuhugas ng kanilang kamay.

Kailan dapat maghugas ng kamay?

1.Bago at pagkatapos kumain.
2.Pagkatapos na gumamit ng CR.
3.Para sa mga bata, pagkatapos na maglaro. Para naman sa matanda, after ng iba’t ibang gawaing bahay.
4.Bago matulog. Isabay na rin ang paghuhugas ng mga paa.

Sa eskwelahan naman, pagdalhin ng sabon ang mga anak o kaya naman ay hand sanitizer.

Magagamit nila ito bago at pagkatapos kumain at sa tuwing gagamit ng CR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply