Kahera ng RTW patay sa sunog sa QC

TODAS ang isang kahera makaraan na masunog ang isang RTW store sa Cubao, Quezon City Lunes ng madaling, Hunyo 6.

Nakilala lamang sa pangalang Gina ang nasawing kahera ng nasabing gusali.

Umabot sa P100,000 ang mga naabong gamit at ari-arian ng magsimulang lamunin ng apoy ang Densel RTW Store sa Act Theater, Aurora Blvd., malqapit sa kanto ng General Santos Ave., Quezon City.

Sa ulat kay F/Supt. Romeo Rillo ng Bureau of Fire Proctection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-tres ng madaling araw sa isang naiwanang bagong kabit na Ceiling fan sa loob ng tindahan.

Naideklara namang fire out dakong 3:45 ng madaling araw.

Ayon kay PO2 Teribio Besa, ng Cubao Police Station 7 at may hawak ng kaso, nakaligtas sana ang biktima subalit ng magtungo ito sa back door ay naka-double lock ang pintuan kaya hindi na siya nakalabas at tuluyang na-suffocate sa usok.

Natagpuan ang biktimang nakahandusay at wala ng buhay katabi ng isang mannequin at mga basang gamit.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP hinggil sa naturang sunog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply