Kahirapan, kagutuman lalala sa Aquino admin

NAGBABALA ang isang ekonomista na posibleng lumala pa ang kahirapan at lomobo ang bilang ng mga nagugutom sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Sa isang press conference, sinabi ni dating Budget Secretary Benjamin Diokno na imposible ring maabot ng gobyerno ang target growth rate na 7.8 porsiyento ngayong 2011.

Ito ay sa kabila ng maagang napagtibay ng Kongreso ang pambansang badyet ngayong taon at maaga itong naipamudmod sa mga ahensya ng gobyerno.

Subalit, nakakalungkot, aniya, na halos nasa kalagitnaan na ng taon ay hindi pa rin nasisimulan ang mga farm-to-market road projects, pagtatayo ng bagong school buildings at iba pang proyektong inaasahan na magbibigay ng mas maraming trabaho sa mga Filipino.

“Domino effect” lamang, ani Diokno, kapag walang trabaho ay mataas ang unemployment rate at mas marami rin ang Pinoy na magugutom.

Samantala, patuloy na nanawagan si Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na magpapatuloy ang paglobo ng kahirapan sa mga probinsya hangga’t hindi naipapasa ang P125 wage hike bill.

Sa pagdinig ng House committee on labor and employment, kung saan tinalakay ang House Bill 375 o An Act Providing for a P125.00 Daily Across-The-Board Increase in the Salary Rates of Employees and Workers in the Private Sector and for Other Purposes, binatikos ni Casiño ang wage board sa pagbibigay ng “barya” sa mga manggagawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply