Kailangang kumilos si Gen. Gil Meneses

TULOY-TULOY ang operasyon ng mga pergalan (perya at sugalan) ni ‘Aling Mely’, na kilala rin bilang ‘Perya Queen’ sa Calabarzon area.

Nakalulungkot, dahil sa kabila ng napakaraming reklamo mula sa kaanak ng mga nalululong dito ay hindi kumikilos ang kinauukulan.

Hangga’t ‘di nadidisiplina ang ‘Reyna ng Perya’ na ito, patuloy at madaragdagan ang mga maaadik sa pergalan sa Region 4A.

Trabaho ng awtoridad, lalo na ng kapulisan ang tingnan at subaybayan kung tama ang operasyon ng mga perya ni  ‘Aling Mely.’

Kapag perya kasi ang pag-uusapan, ang makikita riyan ay mga bagay na magpapasaya tulad ng Ferris Wheel, Octopus, atbp.

Nguni’t sa mga perya ni   ‘Aling Mely’, ang makikita ay sugalan, tulad ng sakla, beto-beto,

kalaskas, pula’t puti, skylab at iba pa.

Kaya nga tinawag na ‘pergalan’ dahil pinagsama ni  ‘Aling Mely’ ang mga gamit sa perya at iba’t ibang klase ng sugalan.

Kumbaga, front lang ang perya dahil ito ang idinadahilan para makakuha ng mayor’s permit para masabing ‘ligal’ ang operasyon.

Sa totoo lang, ‘di perya ang operasyon, kundi pergalan ang mga puwesto ni Aling Mely’ sa dami ng sugal na nilalaro.

Sa Crossing lamang sa Calamba, Laguna, ang pergalan ni ‘Aling Mely’ sa lugar na ito ay taon na sa tagal ng pag-ooperate.

Naku eh, nakahihiya, dahil lantaran ang operasyon. Ang tapang naman ng apog ni Mayor Joaquin Chipeco at tila, ‘di nahihiya.

May nakatayo ring ‘pergalan’ na lantaran at nakabulatlat ang  operasyon sa Brgy. Landayan, sa bayan naman ng Biñan.

Pero ang nakapagtataka, walang say at tila bulag, pipi at bingi si S/Supt. Gilbert Cruz, director ng Laguna Police Office.

Sa  Batangas, matindi naman ang operasyon ng pergalan sa mga barangay ng Lumang Lipa, Mataas na Kahoy at Bagumbayan, Tanauan City.

Ganon din sa Brgy. San Pedro sa bayan ng Sto. Tomas, pero tila walang alam si Batangas director Sr. Supt. Rosauro Acio.

Sa San Antonio, Quezon, namamayagpag din ang isa pang pergalan, pero dedma lang si Quezon provincial director Sr. Supt. Erickson Velasquez.

Kailangang kumilos si R-4A director Chief Supt. Gil Meneses para maputol na ang pamamayagpag ng salot na mga pergalan sa kanyang hurisdiksiyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply