Kainuman nilayasan, obrero tinarakan, utas

PATAY ang 22-anyos na obrero matapos dalawang ulit tarakan ng kanyang kainuman nang sumimple at  nagpahinga sa nakaparadang trak para makaiwas sa tagay sa Mandaluyong City, iniulat Linggo ng hapon.

Kinilala ni Mandaluyong city chief of Police P/Supt. Armando Bolalin ang biktima na si Joel Tanqui-on, laborer, ng #1858 Oro-B. Sta. Ana, Manila.

Tumakas naman ang suspek na kinilala lamang sa alyas “Mark,” ng Brgy. Plainview, nasabing lungsod matapos ang pananaksak.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:17 ng gabi sa San Rafael St., Brgy. Plainview, Mandaluyong City.

Nabatid na nag-iinuman ang suspek at ang biktima sa nasabing lugar kung saan ay unang nalasing ang biktima.

Dahil sa hindi na makayanan ang dami ng nainom ay sumimple ang biktima at nagpahinga sa nakaparadang trak.

Hindi naman nagustuhan ng suspek ang ginawa ng biktima kaya hinanap niya ito at nang makita ay tinarakan ng dalawang ulit sa dibdib bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply