Kakayahan sa giyera ng AFP ‘wag maliitin

ITIGIL na ang pangmamaliit sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsasabing hindi nito kayang makipaggiyera sa usapin ng Spratlys.

Ito ang iginiit ni Senador Gregorio Honasan dahil mistulang ipinapakita na rin sa buong mundo na madali tayong sakupin ng mga nag-aangkin sa Spratlys lalo na ang bansang China.

Ani Honasan, hindi maganda ang maidudulot ng ginagawang panlalait sa sandatahang lakas at maging ang paghingi ng tulong sa Estados Unidos, dahil sa parang sinusuntok na rin ang sariling gobyerno pagdating sa usapin sa pwersa ng militar sa bansa.

Kaya’t iminungkahi ni Honasan, Chairman ng Senate Committee on Peace, Unity and reconciliation na ang pinakamagandang gawin ay pulungin ang liderato ng Senado,  kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA) Department of National Defense  (DND) at Department of Finance (DOF) kung saan ay maingat na bumuo ng kongkretong plano upang maipaglaban ang Spratlys partikular ang mga islang sakop ng bansa.

Nananawagan din si Honasan sa mga spokesperson ni Pangulong Aquino na itigil na ng mga ito ang pagpapanggap na mga eksperto sa diplomasya at foreign  policy at sa halip ay ipaubaya na lamang sa DFA ang mga dapat gawin sa mga ipinupukol na salita ng China sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply