Kakulangan sa silid-aralan solusyunan – solon

HINIMOK ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara ang gobyerno na iarangkada na ang programang tutugon sa mabagal na pagpapalabas ng pondo para sa karagdagang silid-aralan sa buong bansa.

Sa huling tala ng Department of Education (DepEd), umaabot sa 143,281 ang kulang na silid-aralan sa buong bansa para sa taong kasalukuyan. Mas malaki ito sa naitalang 66,800 units na kulang noong 2010.

Ayon kay Angara, binalak na ng gobyerno na paliitin sa 112,287 ang naturang kakulangan sa classroom sa pamamagitan ng pag-upa ng 16,051 yunit mula sa mga pribadong paaralan at pagpapatayo ng 14,243 silid.

Gayunman, ang pondo para sa konstruksyon ng mga bagong silid-aralan ay naapektuhan ng desisyon ng mga economic manager ng administrasyong Aquino na higpitan ang paggastos sa mga imprastruktura sa unang apat na buwa ng taon.

“Government disbursed only P34.8 billion for infrastructure, an amount that is 53 percent – or almost P40 billion– lower than what was spent during the same period last year and an anemic 14 percent of the current full-year program,” paliwanag ng kongresista.

Binanggit pa ni Angara na maagang naipasa noong Disyembre 2010 ang pambansang badyet para sa kasalukuyang taon upang masamantala ng pamahalaan ang magandang panahon sa paglulunsad ng mga konstruksyon.

“Unfortunately, the government forfeited this advantage when it slowed down spending for infrastructure in the first four months,” ani Angara.

Giit ni Angara, hindi dapat idinamay sa naturang pag-aantala ng mga imprastruktura ang pagtatayo ng mga silid-aralan.

Napapanahon na aniyang ipalabas ng gobyerno ang natitira pa sa P11.3 bilyong lump sum para sa pagsasaayos ng mga pasilidad sa sektor ng edukasyon.

Bukod sa mga silid-aralan, kulang na kulang din ang kasalukuyan ng 101,612 guro, 2,720,000 upuan, 119,296 palikuran, at 66,630,000 libro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply