Kalamidad kinatatakutan ng mga bansang dumalo sa AIPA

KALAMIDAD ang isa sa mga pangunahing pinangangambahan ng iba’t ibang bansang dumadalo sa 3rd ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) na idinaraos dito sa Batasan Complex.

Dahil dito, isinulong ni dating Cebu Rep. Antonio Cuenco na magtatag ng Regional Disaster Fund na maaaring magamit ng mga bansang miyembro ng ASEAN sa mga panahong makakaranas ang mga ito ng sakuna at kalamidad.

Kabilang sa mga delegasyon sa AIPA ay mula sa Brunei Darussalam, Kingdom of Cambodia, Republic of Indonesia, Malaysia, Republika ng Pilipinas, Republika ng Singapore, Kingdom of Thailand, at ang Socialist Republic of Vietnam.

“Dapat ay pag-isipan na ang posibleng solusyon na magagawa ng caucus na ito. Isa na rito ay ang pagpapanukala ng pagtatatag ng isang Regional Disaster Fund. Hindi ko lang alam kung may nauna ng makaisip nito sa ASEAN at kung napasimulan na ito. Kung hindi naman, makabubuti na manguna na ang AIPA sa pagtatatag ng Regional Disaster Fund na popondohan ng bawat miyembrong bansa at ng iba pa,” ani Cuenco, secretary-general din ng AIPA.

Ipinahayag ni Lee Chian Siong,  kinatawan ng ASEAN Secretariat na sa kanyang pagkakaalam, ginagawa na ng Japan ang pagbibigay ng donasyon sa mga bansang nakakaranas ng kalamidad at matinding sakuna.

Sinang-ayunan naman ito ni Cuenco. Mahalaga aniyang mabatid kung may katulad na programa upang malaman kung magkano ang pondo nito, kung sinu-sinong bansa na ang natulungan nito at kung maaari ay maisaayos at mas marami pa ang makasaling bansa.

Magtatapos ngayong hapon (Hunyo 2) ang dalawang-araw na AIPA na pormal na sinimulan kahapon sa pangunguna ni House Speaker Feliciano Belmonte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply