Kampo ng NPA naagaw ng militar sa Sultan Kudarat

MATAPOS ang tatlong araw na sagupaan, naagaw na ng military ang kampo ng New People’s Army (NPA) sa Columbio, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Col. Alexis Noel Bravo, commanding officer ng 27th Infantry Battalion, naagaw ng militar ang kampo ng mga rebelde sa Barangay Magsasay makaraang tumakas ang mga miyembro ng NPA Front 72.

Inihayag ng opisyal na napilitang lumayo ang mga rebelde dahil sa kanilang pwersa at presensiya sa lugar.

Unang, naglunsad ng operasyon ang militar noong Linggo, Hunyo 5, makaraang makatanggap ng report na may kampo ang NPA sa nasabing lugar.

Tumagal ng halos 45 minuto ang labanan at napatay ang isang rebelde at narekober din ang M14 rifle, ilang gamit at mga subersibong dokumento.

Sa ngayon, patuloy pa ang clearing at pursuit operation ng mga awtoridad sa bulubundukin ng Columbio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply