Kampo ni Bong iritado na sa bad working attitude nina Marianita at Direk Mac

PAREHONG feeling sikat sina Marian Rivera at Direk Mac Alejandre. Sila ang dahilan kung bakit nahinto nang isang buwan ang shooting ng “Panday 2.” Sila rin ang naging dahilan kayat nagutom ang buong production staff at nawalan ng trabahong umabot nang ganung katagal.

Maski si Sen. Bong Revilla, nainip din sa tinagal ng shooting. Sabi nga ng production staff sa Panday 2 na nakausap namin sa taping ng “Kaps Amazing Story,” wala raw problema kay Bong at sa ibang artista. Kay Marian at Direk Mac nagkaproblema dahil mas naging priority nila ang “MAMAYA NA!” ( ay! AMAYA pala!) dahil ginigipit daw sila ng GMA-7.

Sinasabi ring si Popoy Something na manager ni Marian ang siyang nakakagulo nang schedule. Alam niyang may commitment ang alaga niya tapos tanggapera ng workload.

Lumalabas na ang tunay na kulay o attitude ni Marian. Ang pagiging sikat niya at paimportante. Sana’y pinaniwalaan ni Bong ang mga tsismis sa kapareha na ngayon ay nagbibigay ng matinding sakit ng ulo sa shooting ng Panday 2. aaaaaang ending, baka hindi pa kumita ang pelikula.

Maski itong si Direk Mac ay palasigaw. Feeling sikat din kaya marami ang nayayabangan sa kanya. Kung tutuusin, ayaw nilang makatrabaho ito. Ang kaso, masyado lang bilib ang GMA-7 kay direk kaya nga nabibigyan ng magandang proyekto dahil panay panliligaw ang ginagawa sa mga big boss ng estasyon. Another thing, mapali rin daw ito sa bawat proyektong binibigay sa kanya ganun din sa mga artista.

***

NAGWO-WORKSHOP si Rep. Manny Pacquiao para sa bago niyang programa sa GMA-7 ang MANNY Money Prizes. Malaki ang ipamimigay na pa-premyo sa game show na magsisimula na sa July 9, Saturday at exactly 7 p.m.

Makakasama ni Pacquiao sina Rhian Ramos, Lito Camo, Onyok Velasco at Paolo Contis. Kailangan nilang mag-workshop upang mahasa sila sa hosting dahil di biro ang sumabak sa pinakabagong show na ‘to.

“Isang malaking challenge para sa ‘kin ang pagkatiwalaan ng GMA na mabigyan nang ganitong show. Kailangang pagbutihan ko lalo’t first time kung sasabak sa pagho-host (game show).” pahayag ni Pacquiao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply