Kapalit ni De Jesus ihahayag sa Linggo

HIHINTAYIN na lamang ni Pangulong Benigno Aquino III ang kasagutan ng magiging kapalit ng nagbitiw na Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Ping de Jesus hanggang sa susunod na linggo.

Ito ang sinabi ng Pangulo matapos kumpirmahin na mayroon na siyang kinausap na posibleng humalili kay de Jesus para maging miyembro ng kanyang gabinete.

Ayon kay Pangulong Aquino na naipabatid na niya sa naturang personalidad ang kanyang pagnanais na maging kasama sa kanyang opisyal na pamilya at hawakan ang DOTC portfolio.

Sinabi rin ng Pangulo na nais sana niyang manatili si de Jesus ng kahit isang taon pa sa kanyang gabinete subalit naunahan siya ng hiya na ipa-alaam ito sa nagbitiw na gabinete.

Ayon pa sa Chief Executive, nagpahiwatig sa kanya ang dating DOTC Secretary na nais nitong muling bumalik sa pribadong sektor sa pakikipag-usap nito kay de Jesus sa Palasyo noong Lunes.

Si de Jesus ay naglingkod bilang Kalihim ng DPWH sa administrasyon ng ina ni PNoy na si dating Presidente Corazon Aquino.

Nakatakdang bakantehin ni de Jesus ang kanyang opisina sa DOTC sa katapusan ng buwang kasalukuyan, isang taon makalipas na italaga siya ni Pangulong Aquino sa naturang puwesto.

“He’s not young, as young as he once was.  Ako naman nahiya na akong sabihing baka naman pwedeng one more year. Nahiya na akong i-pursue. He came up to me, then I said my thanks,” paliwanag pa ng Pangulo matapos na tanggapin na ang pagbibitiw nito sa puwesto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply