Kapulisan handa na sa Independence Day celebration

KUMPLETO na ang isasagawang seguridad ng  Manila Police District (MPD) sa paggunita ng ika-113 taong anibersaryo ng Independence Day sa Grandstand sa Rizal Park sa Linggo, Hunyo 12, na pangungunahan sa kauna-unahang pagkakataon ni Pangulong Benigno Aquino at Manila Mayor Alfredo S. Lim.

Ayon kay C/Insp. Erwin Margarejo ng Public Information Office ng MPD, binuo ni MPD District Director Roberto Rongavilla ang Task Group Luneta na siya (Rongavilla) mismo ang mamumuno.

May 1,000 pulis ang itinalaga sa pagdiriwang, kabilang ang mga miyembro ng Regional  Public Safety Battalion (RPSB)  mula sa NCRPO, ang ipakakalat sa mga strategic places na pagdarausan ng Independence Day celebration at may itatalaga rin sa vital installations upang makatiyak na hindi ito masasamantala ng nais maghasik ng terorismo habang busy ang karamihan sa selebrasyon.

Ganap na alas 6:00 ng umaga sisimulan ang aktibidad sa Rizal Park kaya hindi muna papayaga ang mga vendor na okupahin ang parke sa bisinidad na apektado o gagamiting daanan ng mga bisita kabilang ang mga foreign diplomats.

Pansamantalang isasara sa mga motorsita ang northbound at southbound ng Roxas Boulevard, bahagi ng TM Kalaw, M. Orosa at Bonifacio/Anda Circle.

Bandang alas-3:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi ang pagsasagawa ng military parade. Rene Crisostomo

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply