Karambola sa DepEd sa 2 milyong kinder

TODO karambola at kayod ngayon ang mga nasa Department of Education.

Ito’y dahil sa mga problemang dulot ng programang K+12.

Sa K+12, Suki, obligado ang lahat ng mga bata na mag-Kinder muna bago sila mag-Grade 1.

Hindi sila tatanggapin sa Grade 1 kung hindi sila daraan dito.

oOo

Alam ba ninyo ang nangyayari rito?

Aba, wala palang nakahandang silid-aralan para sa mga ito.

Nakikiagaw sila ng rum sa mga Grade 1 hanggang Grade 6.

Nasa dalawang milyon umano ang Kinder na pumasok sa pablik iskul.

Alam ba ninyo kung gaano karaming silid-aralan ang kailangan para sa mga ito?

Para sa 50 Kinder kada rum, kailangan nila ang 40,000 na rum at kung dalawang beses na magbubukas ang Kinder sa maghapon, 20,000 na kuwarto.

Siyempre pa, nangangailangan din ang mga ito ng 2 milyong silya, kung singgelan ang mga ito.

Ang aklat para sa walong sabdyek ay kailangang taymis tu rin o 16 milyon.

Eh ang iba pang pangangailangan ng mga ito gaya ng kubeta, tubig, pagkain at iba pa?

oOo

Ang masama pa rito, Suki, kawawa ang mga titser na magtuturo sa mga ito.

Nasa P3,000 ang sahod nila sa loob ng isang buwan.

Eh kakaltasan pa ang kanilang sahod ng para sa Philhealth, PAGIBIG at kung ano-ano pa.

Ano ang mangyayari kina sir at madam sa ganitong kalagayan?

Hindi kaya maghuramentado ang mga ito, huh?

Sapagkat hindi lang walang matitira sa kanilang sahod sa pamasahe at meryenda lang.

Mahigit pa sa trabaho ng damulag ang inaasahan sa mga ito.

O DepEd Sec. Armin Luistro, paano ito, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply