Karayom ng dextrose naiwan sa paa ng bata, ospital inireklamo

INIREREKLAMO ng mga magulang ng isang taong gulang ang isang ospital na umano’y nakaiwan ng nabaling karayom sa loob ng paa ng kanilang anak sa Tacloban City.

Batay sa nanay ng biktima, dinala ng mga magulang ang kanilang anak sa isang ospital noong nakaraang araw dahil sa pagsusuka at pagtatae nito.

Matapos umanong suriin, nagpasya ang tumingin na doktor na i-confine na ang bata para ma-obserbahang mabuti kung saan pinalagyan ito ng dextrose sa isang nurse ng naturang ospital.

Nabatid na palpak umano ang paglagay ng dextrose dahil biglang nabali ang karayom nito at naiwan sa paa ng bata.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin nakukuha sa paa ng biktima ang karayom ng dextrose na labis namang ipinag-aalala ng mga magulang ng biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply