Karnaper umiskor na naman sa Taguig

MULI na namang namayagpag ang mga hindi nakilalang sindikatong sangkot sa carjacking matapos tangayin ang isang Kawasaki tricycle (PO4556) kahapon, Linggo ng gabi sa Barangay Ligid Tipas, Taguig City.

Ayon sa nagreklamong biktima na si Edwin Pintucan, 28, ng Samama-1, Brgy. Ligid Tipas ay sinamantala umano ng mga kawatan na tangayin ang kanyang sasakyan habang nakahimpil bandang 11:00 ng gabi sa harapan ng kanilang pamamahay.

“Kinabukasan ay hindi ko na talaga natagpuan ang aking sasakyan,” himutok ng biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya para matunton ang sasakyan ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply