Kasabwat sa ‘Hello Garci’ inilantad ni Cayetano

MAS lalo pang tumibay ang operasyon ng dayaan sa Comelec dahil nananatiling nasa matataas at matitibay na posisyon ang ilang kasabwat sa tinaguriang “Hello Garci” scandal, ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na hindi masasawata ang talamak na dayaan tuwing halalan dahil walang isinagawang paglilinis ang kasalukuyang chairman ng komisyon na siyang nagpalinaw ng pagdududa sa kakayahan ng ahensiya laban sa katiwalian.

Unang tinukoy ni Cayetayo ang isang Renault Macarambong ng Lanao del Sur na kasalukuyang hepe ng Election and Barangay Affairs Division ng ahensiya.

Kinilala din niya si Renato Magbutay na nananatiling election director ng Region X. Sumunod na kinilala si Teopisto Elnas Jr., na dating election director ng Regio XI at siya ngayong director ng Election and Barangay Affairs Department ng komisyon.

Pang-apat na natukoy na kasabwat sa “Hello Garci” si Cirilo Nala Jr., dating acting election director ng CARAGA region na ngayon isang Comelec supervisor ng Surigao del Sur

Tinukoy din si Francisco Pobe na nananatili sa kanyang posisyon bilang acting assistant election director ng CARAGA region.

Huling tinukoy ni Cayetano si Ray Sumalipao, ang pangalan na palaging binabanggit bilang Garci operator sa “Hello Garci” hearing, ang dating assistant election director ng Region XI at kasalukuyang acting election director ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Sa ngayon, si Sumalipao ang siyang ARMM election director na inatasan ni Comelec chairman Sixto Brillantes na maghanda para sa 2011 ARMM election. Pinaghihinalaan si Sumalipao kabilang ang ilang Garci operator sa Mindanao na siyang sangkot sa malawakang dayaan.

Noong 2004, natalo si yumaong Fernando Poe Jr., kay Gloria Macapagal-Arroyo na kinatawan ni Brillantes bilang abogado nito.

“Sumalipao was tasked by Brillantes to oversee preparations the 2011 ARMM election,” ayon kay Cayetano.

Kasabay nito, kinuwestiyon naman ni Cayetano ang sinsiredad ni Brillantes sa kanyang pangakong balasahin ang Comelec at ipokous ang implimentasyon na panghawakan ni Atty. Sumalipao sa preparasyon ng ARMM polls kahit sangkot siya sa “Hello Garci.”

“When you said you were preparing for the ARMM polls before we passed a law to postpone it to 2013, I have to question why you not only chose to go manual but even chose Atty. Sumalipao to handle it. What will the perception be based on that?” ani Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na kung seryoso si Brillantes na isulong ang imbestigasyon sa “Hello Garci,” dapat paimbestigahan ang pagkakasangkot ni Sumalipao sa eskandalo.

“You have to ask who was involved and where are they now. You cannot use due process as a reason because the President did not appoint you to become the lawyers of these officials in question,” tanong ni Cayetano kay Brillantes sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) kamakailan.

“If we retain the same people in ARMM then any form of reform will just be on paper,” dagdag pa niya.

Nabigong makuha ni Brillantes ang kumpirmasyon ng CA bago magsara ng sesyon nitong Hunyo 9 dahil marami pang tanong na nakabitin na hindi pa nasasagot ng hepe ng ahensiya. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply