Kasambahay ginahasa ng mga kawatan

ISANG 23-anyos na kasambahay ang ginahasa ng dalawa sa apat na kawatan na nanloob sa kanilang bahay sa Batangas.

Sa ulat sa Camp Crame, alas-4:40 ng madaling-araw nitong Huwebes nang sapilitang pumasok ang apat na lalaki sa #28 Saturn st., Arline Ville Subdivision sa Barangay Butong sa bayan ng Taal.

Nabatid na natutulog sa loob ng bahay sina Violeta Marco, 76; Esperdion Marco, 79; at mga kasambahay na sina  Mary Jane Loreto, 37; at isang itinago sa pangalang Cherry, 23, nang pumasok ang mga kawatan.

Dalawa sa mga kawatan ang nanlimas sa mga kagaamitan, alahas at pera sa bahay na umaabot sa mahigit P60,000 ang halaga.

Dalawa naman sa mga ito ang gumahasa kay Cherry habang isinasagawa ang pagnanakaw.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga kawatan. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply