Kasambahay inabuso ng among Arabo

ISANG 43-anyos na kasambahay ang nagreklamo hinggil sa pangmomolestiya sa kanya ng kanyang among Arabo sa Ermita, Manila iniulat ng pulisya.

Ang biktimang itinago sa pangalang “Amor” tubong Cotabato ay nanunuluyan sa kanyang among Arabo sa Adriatico St., sa Ermita.

Patuloy namang nakalalaya ang inireklamong Arabo na nakilalang si Hammad Alabdali, isang turista na pansamantalang nanunuluyan sa isang condominium sa nasabing lugar.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Insp. Anita Araullo, hepe ng Children & Women Protection Unit ng Manila Police District, simula umanong namasukan bilang maid ang biktima, malimit na binibiro ito ng suspek sa panghihimas sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

At malimit din umano siyang biruin kung puwede siyang makipag-sex.

Minsan naman umano, habang nagtatrabaho sa kusina, bigla siyang yayakapin ng amo patalikod sabay sasabihang nagbibiro lang ito.

Nabatid pa sa reklamo ng maid na minsan na rin niyang nakitang naglalakad nang hubo’t hubad ang kanyang amo na sadyang ipinakikita sa kanya.

Sa puntong ito, sinabihan  niya na umano ang kanyang amo na isusumbong sa mga pulis pero binantaan siyang papatayin.

Nitong Mayo 26, nang muli siyang niyakap ng salarin na hubo’t hubad kaya nagtatakbo na siya palabas ng bahay at nagreklamo sa pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply