Kaso ng leptospirosis tumaas ng 146%

MULING nagpalabas ngayon ng babala sa publiko ang Departmant of Health (DOH)-Bicol laban sa sakit na leptospirosis dahil patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso na naitala ng ahensya ngayong taon.

Ayon kay Dr. Chito Avelino ng DOH Regional Office V na mula Enero 1 hanggang Hunyo 25 ngayong taon, nasa 64 kaso ang naitala ng DOH, halos 146% na mas mataas kung ihahambin sa parehong period noong nakaraang taon.

Ang Camarines Sur ang may pinakamalaking bilang ng kaso na may 57. 3 sa Albay, dalawa sa Sorsogon, isa sa Camarines Norte at isa sa Masbate.

Dalawa ang naitalang namatay dala ng naturang sakit, isa sa Sorsogon at ang isa ay sa Masbate.

Ayon kay Dr. Avelino, lalo nilang pinalakas ang kanilang kampanya kontra Leptospirosis at nagpalabas na rin sila ng mga advisories sa mga local government units tungkol sa naturang sakit upang maipamahagi naman ang impormasyon sa publiko.

Ang sakit na leptospirosis ay sanhi ng leptospira bacteria na nakukuha sa mga dumi ng hayop. Ito ay kadalasang nakukuha sa tubig baha. Sa ngayon, ayon kay Dr. Avelino, hindi lang daga ang pinagmumulan ng sakit kundi maging ang mga ihi ng aso at pusa ay posibleng pinagmumulan din nito.

Nagpa-alala rin ang opisyal sa mga mamamayan na magpatingin kaagad sa doktor kung may mga sintomas ng sakit lalo na kung lumusong sa tubig baha. Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, pananakit ng mga kasu-kasuan, sakit ng ulo, pamumula ng mata, kulay dark brown na ihi at maputlang dumi.

Posible din umanong magdulot ng pagkonti ng ihi ang naturang sakit lalo na kung ito ay malala na.

Idinagdag pa ng doktor na 7-10 araw ang incubation period ng leptospirosis. Kung hindi ito maagapan ay posibleng magdulot ito ng kamatayan dala ng mga komplikasyon,  kaya ayon sa doktor mas makabubuting magpatingin sa doktor kung may nararamdaman dahil may gamot umano laban sa naturang sakit. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply