Kaso ni Bigcas ililipat sa Cagayan de Oro

ILILIPAT na ng Kamara de Representantes ang pagdinig sa kasong smuggling laban sa negosyanteng si Lynard Bigcas sa Cagayan de Oro City matapos aprubahan ni Ilocos Sur Rep. Rodolfo Fariñas, chairman ng house sub-committee on customs, tariff and other related taxes, ang nasabing hakbangin.

Inaasahan na sa unang linggo ng Agosto na magsisimula ang pagdinig dahil naka-recess ang Kongreso ngayon.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, noong nakaraang Hunyo 10 ay humarap si Bigcas sa preliminary investigation sa kanyang kasong smuggling sa City Prosecutor’s Office, subalit humiling na ipagpaliban sa ibang petsa ang imbestigasyon dahil sa wala ang kanyang abogado.

Nangako naman ito na makakadalo upang harapin ang preliminary investigation, at handang sagutin ang mga tanong sa kanya hinggil sa kinasasangkutang smuggling case.

Isinampa na ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Customs (BoC) ang kaso laban kay Bigcas sa Northern Mindanao, subalit iniurong ng Customs ang kaso dahil plano nitong isampa ulit ang kaso sa Department of Justice sa Maynila. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply