Kaso vs Arroyo suportado ng mga abogado

SUPORTADO ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang kasong isinampa ng simbahang United Church of Christ in the Philippines (UCCP) laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Atty. Edre U. Olalia, NUPL secretary-general, kailangang pagbayaran ni Arroyo, na ngayon ay kongresista ng Pampanga, ang mga kasalanang tulad ng pagpatay sa mga taong simbahan at mga taong nawala at pinatahimik dahil sa pagsasabi ng totoo.

Nananawagan umano sila sa mga biktima at iba pang grupo na magsampa rin ng kaso laban kay Arroyo upang makamit nila ang hustisya.

Ani Olalia, hindi sila maghihintay pa sa pagkilos ng gobyerno ni Pangulong Benigno Aquino III upang pagbayaran nina Arroyo at mga kasamahan ang kanilang mga ginawang krimen. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply