Kasong kriminal vs PNP-CIDG chief Gualberto pinagtibay ng Ombudsman

PINAGTIBAY ng Office of the Ombudsman ang naunang resolution para sampahan ng kasong kriminal ang dating PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Nestorio Gualberto.

Sa isang memorandum ni Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro ibinasura nito ang Motion for Reconsideration ni Gualberto na pumipigil sa anti-graft office sa pagsasampa ng dalawang counts ng paglabag sa RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) sa Sandiganbayan.

Sa memorandum, binigyang diin ni Gualberto ang isyu ng kanyang Motion for Reconsideration ay nailinaw na.

Nauna rito, magugunitang si Gualberto ay kasalukuyan director ng Bureau of Customs-Enforcement and Security Service (BOC-ESS), ay iniutos na sampahan ng kaso dahil sa kabiguang mag-file ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) noong 1998 at 2000.

Kasong kriminal vs PNP-CIDG chief Gualberto pinagtibay ng Ombudsman

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply