Dating ambassador sasampahan ng kaso

INATASAN ng Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong malversation si dating Philippine Ambassador to Nigeria Masaranga Umpa dahil sa umano’y hindi tamang paggamit ng perang inilaan para sa pagpapauwi sa OVersea Filipino Workers (OFWs) na dinukot sa bansang Africa, apat na taon na ang nakalilipas.

Sa 24-pahinang resolusyon, inaprubahan ni acting Ombudsman Orlando Casimio ang paghahain ng four counts of malversation laban kay Umpa na sinasabing responsable sa ginawang kaduda-dudang transaksyon sa halagang  $95,856 (P4.12 million). Ang kasong kriminal ay isasampa naman sa anti-graft court ng Sandiganbayan.

“In the instant case, it is very clear that the respondent (Umpa) had been very negligent in his duty of counter-checking the supporting documents for the cash advances for several transactions which he, himself, was involved in. He (Umpa) committed the acts of malversation through abandonment or negligence, by approving for payment for the non-existing transactions,” nakasaad sa  resolusyon.

Batay sa nakasaad reklamo, noong  February 2007 ang  Department of Foreign Affairs (DFA) ay naglabas ng $174,000 (P7.48 million) para sa Assistance to National (ATN) Standby funds para sa pagpapa-release ng  25 Filipino migrant workers na dinukot sa Nigeria.

Sa halip na gamitin sa tamang pamamaran ang salapi, minanipula ni Umpa ang mga dokumento pero natuklasan na ang halagang  $95,856 ay ginamit sa irregular na transaksyon.

Batay sa reklamo ng DFA lumalabas na ang mga pekeng dokumento ay pinalalabas ni Umpa na ang halaga ay ginastos sa inokupahang Wellington Hotel Limited sa Nigeria para mapagtakpan ang ginastos para anim na hotel rooms at pagkain ng 11 pulis escorts.

Marami pang transaksiyon ang pinasok ni Umpa para linlangin ang gobyerno para sa kanyang pansariling interes. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply