Kasong plunder vs GMA madadagdagan pa

MAGHAHAIN ng panibagong reklamong plunder si dating Solicitor General Frank Chavez laban kay dating Pangulo at nagyon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo dahil sa umano’y maling paggamit sa pondo ng gobyerno na nagkakahalaga ng P1.5 bilyon.

Tumanggi si Chavez na ilahad ang detalye o pinag-ugatan ng panibagong reklamo na isasampa niya laban kay Arroyo.

Maigi umanong abangan na lamang bukas, Hunyo 28, ang magiging laman ng kanyang complaint affidavit kapag inihain na niya ang reklamo sa Department of Justice (DOJ).

Matatandaan na una nang nakapaghain si Chavez ng reklamong pandarambong laban kayArroyo sa DOJ dahil sa umano’y maling paggamit sa mahigit kalahating-bilyong-pisong pondo ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA).

Ang nasabing reklamo, kung saan dawit din ang ilang opisyal ng nakalipas na administrasyon, ay isinasailalim pa sa preliminary investigation sa DOJ na pinangangasiwaan ng panel of prosecutors.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply