KC Concepcion, Sam Milby mga laos na?

MALAPIT nang ipalabas ang pelikulang “Forever And A Day” ng Star Ciema starring KC Concepcion at Sam Milby pero nakabibingi ang katahimikan ng dating nito. Kahit sa mga bahay-bahay ng friends at pamilya namin, ni minsan, hindi namin narinig na may nagbanggit sa pelikulang ito.

Sa amin kasi, karaniwan nang barometro namin yung pinag-uusapan sa bahay ng mga pinsan at pamangkin ko ang isang pelikula. Pag nangyayari yun, ito ang badyang hit sa takilya ito.

But not Forever And A Day. Zero mention talaga ito sa mga kakilala ko, at para sa amin, this could spell a debacle.  Magiging big flop ang pelikulang ito.

But we could be wrong. Hindi naman kami Diyos that we can say things with finality. Kung mali kami, mas maganda yun, ibig sabihin, the movie could have a better box-office take. And we pray hard na sana nga, mali kami na talagang laos na rin ang anak ni Sharon Cuneta at si Sam Milby. (In fairness, the movie’s fabulously made and well-acted as well. – Ed)

***

Nagbago na raw si Snooky Serna, true kaya?

WALANG habas ang mga kapasawayan ni Snooky nitong huling yugto ng kanyang career. Mula sa pagkalaos, tinangka niyang bumangon pero dami ng kamalasang kanyang nasuungan dahil sa kanyang bara-barang attitude.

Yung pinakahuli ay ang supposedly ay ang pagpatayo niya ng isang art school sa Cabanatuan City kasama ng kanyang kinuhang manager na si Anthony Hernandez. Through this endeavor, higit pang napasama si Snooky dahil nga pumutok yung mga tsekeng supposedly ay in-isyu niya sa mga media entities na pinapunta pa nila sa malayong siyudad sa Nueva Ecija. Dami ng sisi kay Snooky pero ipinapasa niya ito sa kanyang manager pero sa totoo lang, sa kanya ang talbog ng lahat ng bintang. Alangan naman kasing iba pa’ng iturong may sala gayung malinaw na siya ang naka-front sa lahat ng pangyayari.

Ganyan naman si Snooky, laging palpak, laging di tumatama, di na yata gaganda talaga ang mga trabaho niya.

There was even a time na talaga namang halos isumpa na siya ng kanyang manager na si Leo Dominguez dahil sa sobrang kapalpakan niya. Mabait mang tao si Leo na noon ay handang sumuporta sa kanyang kaibigan, nawalan lahat ng kuwenta yun dahil nga si Snooky ang mismong pasaway.

May bagong development daw ngayon ayon naman sa ilang taong naghahanda na namang tumulong kay Snooky. Nangako raw itong magbabago na at hindi na talaga magpapasaway.

Mabait naman si Cookie, puwede pa ring paniwalaan ang mga sinasabi niya. Pero sana sa kanyang pangako, this time, tupdin na niya ito. Sayang kasi siya, laki ng kanyang pangalan, sa wala lang napunta. Habang may panahon, sana maiwasto ang maraming mali niya sa buhay.

Narito po ang nilalaman ng isang PR article na ngayon ay pinaiikot sa mga friends ni Snooky:

Muli na namang nasilayan sa telebisyon si Miss Snooky Serna. Sa kaniyang muling pag-arte sa TV, itinampok ang aktres sa drama anthology ng TV5 na “UNTOLD STORIES” mula sa “Face to Face” na napanood noong Huwebes, alas-9 ng gabi. Kasama niya sina Ricardo Cepeda at Jopay Paguia. Sobrang humanga daw ang huli kay Snooky at nasabing wala pa ring kupas ang pagganap ng batikang aktres.

Samantala, masisilayan din ang aktres sa isang afternoon program ng Kapuso Network na “Blusang Itim.” Tuwang-tuwa si Snooky nang mapunta sa kaniya ang mahalagang papel sa naturang afternoon show dahil alam naman ng lahat na ang aktres ang nagbida sa film version nito.

Excited, pursigido at tutok siya ngayon sa kaniyang trabaho. Nakatulong ang disiplina niyang dala-dala magmula nang umanib siya sa Iglesia Ni Cristo.

Umaasa ang batikang aktres na muli siyang tatanggapin sa kaniyang pagbabalik dahil nararamdaman niya na marami pa rin ang nagmamahal sa kaniya.
Sa rami ng kaniyang pinagdaanang hirap at pagsubok, naniniwala ang aktres na hindi siya pababayaan ng Diyos.

Sana ay magtuluy-tuloy na ang magandang pangyayari na ito sa kanya. Sa isang mahusay na aktres na tulad niya ay napakalaki pa rin ng puwang sa industriya.

At dapat nga lang talaga na hindi siya sumuko at ipagpatuloy niya ang kaniyang laban dahil kahit ano pa ang sabihin sa kaniya, siya pa rin si Snooky Serna na gumawa ng pangalan at kasaysayan sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Nasa pangangalaga siya ngayon ni Mio Manansala na tumatayong business manager niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply