Kelot tiklo sa pagbebenta ng nakaw na motorsiklo

SA KULUNGAN humantong ang isang binatang naaktuhang nagbebenta ng mga umano’y nakaw na motorisklo sa isinagawang operasyon ng mga pulis kahapon, Lunes, sa Caloocan City.

Pakuya-kuyakoy sa selda at nahaharap na sa kasong paglabag sa Anti-Fencing Law sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek na si Mark Christian Gurado, 27, ng Phase 8-A Bagong Silang, Caloocan City.

Nalambat ng mga awtoridad ang suspek sa Phase 7-B, Bagong Silang, Caloocan City dakong ala-siyete ng umaga matapos may nagsutsot sa mga parak hinggil sa pagbebenta ng suspek ng mga nakaw na motorsiklo.

Nasamsam mula sa suspek ang pitong iba’t ibang klase ng motorsiklo, na isinasalya lamang ni Gurado sa halagang P7,500 bawat isa, at isang makina ng motorsiklo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply