Kelot kulong sa shabu

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki matapos mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas Linggo ng madaling araw, Hunyo 12.

Nakilala ang suspek na si Ronaldo Austria, 36, residente ng Daang Hari ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-kwatro ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis malapit sa bahay ng suspek matapos may nag-tip na nagtutulak ng shabu si Austria.

Isang pulis ang umaktong poseur buyer at dinamba si Austria matapos mag-abot ng isang sachet ng shabu kapalit ng P500.

Isa pang sachet ng shabu ang nakuha sa katawan ng suspek nang kapkapan ito.

Sasampahan na ng kaukulang kaso ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply